top of page

Memoirs of a new practicing lawyer (Circa March 2020) (Taglish)

  • attyhanixyz
  • May 24, 2023
  • 3 min read

"Isang araw, may dalawang walk-in clients na dumating sa aking munting opisina. Ang isa—nakapostura—with matching “alahas abot siko” daig pa ang may ari ng pawnshop sa may kanto. Taray mashado ang mukha ni medem na may 7 layers ng make up. Ang kanyang mga labi ay puwera usog para bang kinulang pang ipahid ang buong lipstick ng Revlon. Ang kanyang kilay Nike ay para bang nagsisigaw na siya ay laging nasa tama.

Nagmistulang dakilang alalay naman ni medem ang kanyang kasama na medyo simple ang OOTD. Ang make up ni ate ay mga 3 layers foundation lang, violet ang kulay ng kanyang lipstick at kilay Maybelline. Ang mukha ni ate gurl ay animoy nakadikit na sa kanyang hawak na Iphone.


Taray Kliyente: Magpanotaryo kami, Pwede? (sabay upo) Kung may topak ako nung araw na yun, malamang sinagot ko si medem ng “pwede oo, pwede hindi, pero pwede rin depende". Pero dahil ako ay feeling mabait nung oras na yun, sinagot ko siya ng matino. Me: Yes ma'am. Pwede po. Taray Kliyente: Ah. So, nasaan si attorney? -- Me: Ako po iyon ma'am. Taray Kliyente: Ah ikaw?

Taas kilay si medem. Hinead –to-foot ako. Nagsalita siya ng maranao as if di ko naintindihan. Ang sabi pa niya sa kanyang kasama ay mukha daw akong yaya na galing sa day-off. Buti nalang at humirit si ate gurl ng “pero Mataid” kuno ako. Dahil dun ako ay nakapaghunos-dili pa.

Taray Kliyente: Panotaryo kami. Me: Ano po ang ipapanotaryo niyo po? Taray Kliyente: Eto ngang papel.

Ang pinakita ni taray medem: Deed of Absolute Sale. Tinanong ko si medem taray kung nasaan ang may-ari, ang kopya ng titulo, etc. Sumagot siya na nasa kanila pa daw –nasa malayong lugar. Kelangan lang daw niya magpanotaryo para maprocess yung “papel” na yun. Nagpupumilit talaga si medem na magpanotaryo sa akin.

Kinuha ko ang calculator at ipinakita ko sa kanya kung magkano ang kanyanang dapat bayaran para sa notary. Nanlaki ang mga mata niya.

Me: Yan po ang babayaran niyo po. Pero hindi po ako makakapagnotaryo kasi wala po iyong may-ari tsaka wala po kayong dalang copy nung title... Taray kliyente: Teka. Teka. Bakit kami magbabayad...eh INDIGENT kami. Tsaka public lawyer ka libre dapat kasi public service!

Nung puntong yun talagang gusto ko nang magsupersayan. Pero kinalma ko ang aking sarili….kalma self…Di ko naiwasang magbuntong-hininga.

Me: Ma'am, para po sa inyong kaalaman hindi po ako public lawyer. Private lawyer po ako. Hindi po ako binabayaran nitong trabaho kong pagnonotaryo ng gobyerno. Yang nababasa nyong notary public ibig sabihin po nyan ay open kaming magnotarize ng mga documents sa publiko but for a fee. Pangalawa, pwede po libre ang mga indigents pero dapat may maipakitang pruweba na indigent po kayo. Tsaka itong dokumento nyo--deed of absolute sale po ito. Paano ko po kayo maituturing na indigent kung may kakayanan pala kayong bumili ng lupa, de kotse nga kayo di po ba?

Nagsalita na rin sa wakas ang kanyang kasama. Sinabi na daw niya sa kanyang Tita ang tungkol sa notarial fees bago pa man sila pumasok sa aking opisina. Si ante lang talaga ang nagpupumilit na magpanotaryo ng deed of sale na libre dapat.

Nakakaimbyerna ang makadaupang palad ang mga taong gaya ni medem taray-slash-feelingera-na gusto lagi-libre. Pero nakakamiss din makahalubilo ang mga gaya nyang Karen ng makabagong panahon; yung tipong ewan kung umasta at feeling entitled pa."


See insights and ads Boost post

All reactions: 2929

Comments


CONTACT HANI LAW

Cagayan de Oro City

attyhanixyz@gmail.com

Success! Message received.

​​​​© 2021 by Hani Law Office. Proudly created with Wix.com

  • YouTube
  • Grey Facebook Icon
  • Grey Twitter Icon
bottom of page